15 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Maynila

By Len Montaño April 16, 2019 - 12:04 AM

Kuha ni Richard Garcia

Nawalan ng bahay ang nasa 15 pamilya sa sunog sa residential area sa Damayan Street, Bacood sa Sta. Mesa, Manila Lunes ng gabi.

Dakong 7:10 ng gabi ay itinaas sa ikatlong alarma ang sunog.

Bahagyang humina ang sunog alas 7:20 ng gabi pero patuloy na inapula ng mga bumbero ang apoy.

Idineklara ng Bureau of Fire-Manila (BFP-Manila) ang sunog na under control bandang 7:31 ng gabi.

Wala namang nasaktan sa naturang sunog.

Inimbestigahan ang pinagmulan ng sunog at ang halaga ng natupok na ari-arian.

TAGS: 15 pamilya, Bacood, BFP Manila, Damayan St., ikatlong alarma, nawalan ng bahay, residential area, sta mesa, sunog, under control, 15 pamilya, Bacood, BFP Manila, Damayan St., ikatlong alarma, nawalan ng bahay, residential area, sta mesa, sunog, under control

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.