Singil sa kuryente, nakaambang tumaas sa Mayo

By Len Montaño April 15, 2019 - 11:00 PM

Posibleng tumaas ng singil sa kuryente sa susunod na buwan dahil sa magkakasunod na power alerts bunsod ng bawas sa supply ng kuryente.

Ayon kay Larry Fernandez, Meralco utility economics head, apektado ng ipinapatupad na yellow at red alerts sa Luzon grid ang presyo ng kuryente sa spot market.

Ngayong buwan anya ng Abril ay mayroong 6 na araw na apektado ng yellow alert at 4 na araw na itinaas ang red alert na nagkaroon ng kaukulang epketo sa spot market price.

Araw ng Lunes ay muling naging manipis ang reserbang kuryente sa Luzon kaya isinailalim ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon Grid sa red alert na ibinaba sa yellow alert hanggang alas 8:00 ng gabi.

Bagamat tiniyak ng Meralco at Department of Energy ang sapat na reserbang kuryente sa Huwebes at Biyernes Santo dahil sa pagbaba ng demand, hinikayat pa rin ang publiko na magtipid sa kuryente dahil hindi pa masyadong matatag ang supply sa Luzon grid.

TAGS: demand, DOE, Kuryente, luzon grid, Mayo, Meralco, ngcp, red alert, reserba, singil, spot market price, tumaas, Yellow Alert, demand, DOE, Kuryente, luzon grid, Mayo, Meralco, ngcp, red alert, reserba, singil, spot market price, tumaas, Yellow Alert

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.