Kontrobersyal na skin whitening ad hindi aprubado ng Ad Standards Council

By Len Montaño April 15, 2019 - 10:35 PM

Hindi aprubado ng Ad Standards Council (ASC) ang skin whitening advertisement ng produktong GlutaMAX na umani ng batikos dahil sa umanoy diskriminasyon sa kulay ng balat na morena.

Binatikos ang GlutaMAX ad dahil sa negatibong mensahe sa mga kababaihan na morena ang kulay ng balat at dahil sa tila pag-engganyo pa sa pagkakaroon ng lamang o pribilehiyo kung maputi ang kulay ng balat.

Sa naturang ad ay makikita ang dalawang babae, isang morena na nakatingin sa katapat nitong isang maputing babae.

Sa sa isa sa mga advertisements, makikita pa ang isang website kung saan pwedeng ibahagi ang umanoy “unfair” o hindi patas na karanasan dahil sa pagkakaroon ng morenang balat.

Sa isa pang ad ay makikita naman ang isang survey na nagsabing 3 sa 5 Pilipino ang naniniwala na ang taong may maputing balat ay nakakatanggap ng mas maayos na trato kumpara sa iba.

Sa ad ay sinabi ng maputing babae sa morenang babae na imbes na magalit ay mabuting gumamit na lamang ng skin whitening products.

Pero sinabi ng Ad Standards Council, na ang mandato ay protektahan ang mga consumers mula sa “misleading, indecent and unlawful ads,” na hindi nila aprubado ang GlutaMAX ad.

“ASC stands for responsible communications and abides by a strict code of ethics…In connection with the recent GlutaMAX skin care digital and outdoor ads, the materials posted and displayed were not approved by ASC,” pahayag ng ASC.

Binanggit ng Council ang kanilang alituntunin kung saan pwedeng bigyan ang GlutaMAX ng cease and desist order at may kaukulang multa at ban sa screening ng ad material.

Samantala, humingi na ng paumanhin ang GlutaMAX kasunod ng batikos sa kanilang ad na idinaan ng mga netizens sa social media.

“We believe that the best intentions are never an excuse for causing harm…And for all those that we’ve offended over the past few days, we offer our sincerest apologies,” pahayag ng GlutaMAX.

TAGS: Ad Standards Council, babae, diskriminasyon, GlutaMAX, maputi, morena, skin whitening ad, social media, trato, unfair, Ad Standards Council, babae, diskriminasyon, GlutaMAX, maputi, morena, skin whitening ad, social media, trato, unfair

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.