Matatapang na pahayag ni Duterte vs China, walang kinalaman sa eleksyon – Palasyo
Hindi pang-akit sa mga botante ang biglaang matatapang na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa agresibong aktibidad ng China sa West Philippine Sea.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, walang kinalaman sa nalalapit na eleksyon ang banta ni Duterte sa China na huwag galawin ang Pag-asa Island.
Sadya aniyang naging matapang ang pahayag ng Pilipinas dahil nakapagsagawa na ng validation at na-calibrate ang mga impormasyon ukol sa presensya ng Chinese vessels sa mga isla na sakop ng Pilipinas.
Matatandaang bago ang May 2016 elections, matatapang ang pahayag ng pangulo kontra sa China kabilang na ang pangakong mag-jetski sa Scarborough Shoal subalit kalaunan ay kumabig din ang pangulo at naging malambot sa China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.