Desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa WPS, idiniga ni Duterte sa China

By Chona Yu April 15, 2019 - 08:58 PM

Inquirer file photo

Aktibo nang iginigiit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ruling ng Permanent Court of Arbitration na ang Pilipinas ang mayroong exclusive sovereign rights sa West Philippine Sea at invalid ang claim ng China na nine dash line.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, sinimulan ng pangulo na idiga ang ruling ng PCA nang pagsabihan nito ang China sa kanyang talumpati sa Palawan noong April 3 na huwag galawin at okupahan ang Pag-Asa Island na nasa Kalayaan Group of Island.

Iginiit ni Panelo na kailanman, hindi isinantabi ng pangulo ang desisyon ng PCA kahit na paulit-ulit na sinabi nitong hindi na muna niya gagamitin ang desisyon dahil sa gumaganda na ang trade relations ng Pilipinas at China.

Maari aniyang idiga ng pangulo ang pca ruling sa Belt and Road Forum na gaganapin sa Beijing sa susunod na linggo.

TAGS: China, permanent court of arbitration, Pilipinas, Rodrigo Duterte, West Philippine Sea, China, permanent court of arbitration, Pilipinas, Rodrigo Duterte, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.