Nasawing babaeng detainee sa Biñan, Laguna negatibo sa meningococcemia

By Angellic Jordan April 15, 2019 - 08:37 PM

Negatibo sa meningococcemia ang nasawing babaeng detainee sa Biñan City, Laguna noong April 6, ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon kay Dr. Eduardo Janairo, hepe ng Health Department sa Calabarzon, lumabas ang resulta mula sa isinagawang test ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlipa City.

Matatandaang itinakbo ang babaeng detainee sa Ospital ng Biñan matapos mawalan ng malay.

Nang dalhin sa ospital, sinabi ni hospital director Dr. Melbril Alonte na nakitaan ito ng mga simtomas ng meningococcemia.

Agad nagsagawa ng prophylaxis at nagpamigay ng face masks sa 150 bilanggo at jail guards sa naturang police detention center.

TAGS: Biñan, DOH Calabarzon, Health, laguna, meningococcemia, Biñan, DOH Calabarzon, Health, laguna, meningococcemia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.