U.S. Embassy sa Pilipinas, sarado sa Miyerkules Santo at Huwebes Santo
By Angellic Jordan April 15, 2019 - 08:28 PM
Sarado ang Embahada ng Amerika sa Pilipinas sa Huwebes Santo, April 18, at Biyernes Santo, Apil 19.
Sa abiso ng U.S. Embassy, pansamantala silang hindi tatanggap ng anumang transaksyon gayundin ang kanilang affiliated offices.
Ito ay para sa pakikiisa sa pagdaraos ng Semana Santa sa Pilipinas.
Magbabalik naman sa normal ang operasyon ng embahada sa araw ng Lunes, April 22.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.