Paglabag sa Anti Graft and Corrupt Practices Act ang isinampa laban kina Tuao, Cagayan Mayor Francisco Mamba Jr., Vice Mayor William Mamba, administrator Frederick Baligod, municipal treasurer Rodolfo Cardenas at iba pa opisyal ng munisipyo.
Kasama rin sa kaso si Ramon Aytona, representative ng Feshan Philippines.
Sinasabing nagsabwatan ang mga akusado sa pagbili ng 3,333 bote ng Bio-Nature Liquid Organic Fertilizers sa halagang P1,500 kada bote mula sa Feshan Philippines mula Abril hanggang Hulyo 2004. May kabuuang halaga itong P4.9 milyon.
Sinasabing walang public bidding sa pagbili ng mga fertilizer.
Bukod dito, hindi rin maipaliwanag kung bakit direct contracting ang ginamit na proseso ng mga akusado.