Sotto: Presidential veto sa illegal realignment sa 2019 budget tiyak na

By Den Macaranas April 15, 2019 - 06:48 PM

Inquirer file photo

Umaasa si Senate President Vicente “Tito’ Sotto III na gagamtin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang veto power sa ilang iligal na realignment na ginawa sa 2019 national budget.

Sinabi ni Sotto na nakausap niya si Executive Sec. Salvador Medialdea at sinabi nito na ikinukunsidera ng pangulo ang ilang puna ni Sotto sa panukalang pondo.

Nauna nang sinabi ni Sotto na pinakialaman ng ilang kongresista ang laman ng 2019 budget na nauna nang ipinasa ng dalawang kapulungan ng kongreso.

Kaugnay nito, naniniwala si Sotto na hindi lalagdaan ng pangulo ang anumang insertion sa pondo tulad nang kanyang naunang pahayag.

Ipinaliwanag rin ng pinuno ng Senado na hindi makakabuti sa bansa kapag nagdesisyon ang pangulo na i-veto ang kabuuan ng P3.7 Trillion budget dahil sa ilang mga malalaking proyekto ng pamahalaan.

Ayon kay Sotto, ayos ang line-veto lalo’t kung kasama dito ang mga pinakialamang dagdag na pondo na mapupunta lamang sa proyekto ng ilang mambabatas.

Posible rin anya na pagkatapos na lamang ng Holy Week lagdaan ng pangulo ang 2019 national budget.

TAGS: 2019 budget, duterte, medialdea, Sotto, 2019 budget, duterte, medialdea, Sotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.