Mga korte sa bansa half-day lang sa April 17

By Angellic Jordan April 15, 2019 - 06:08 PM SHARE(S):

Magsisimula ang Holy Week break ng mga court employee sa hapon ng Miyerkules Santo, April 17.

Sa abiso ng Korte Suprema, half day ang lahat ng court employee sa Miyerkules para bigyan ng sapat na oras sa paghahanda sa kanilang Holy Week break.

Samantala, suspendido naman ang trabaho ng mga korte sa loob ng mga local government owned at controlled buildings sa April 17 kung maglalabas ng deklarasyon ang mga pamahalaang lokal.

Kung wala, magiging half day ang mga empleyado base sa inilabas na abiso ng Korte Suprema.

Samantala, regular holiday ang Huwebes Santo at Biyernes Santo habang special non-working holiday naman ang Sabado de Gloria.

TAGS: court, holy week break, Supreme Court, court, holy week break, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.