Nauna dito ay sinabi ni Erice sa panayam ng Inquirer na pinalitan nila ang campaign color ni Mar Roxas na mula sa dilaw ay ginawang asul.
Nagmistulan umano kasing “Robin” si Roxas dahil sa association nito sa kampo ng dating pangulo at sa Liberal Party.
Si Erice ang tumatayong campaign manager ni Roxas sa pagtakbo bilang senador sa ilalim ng Otso Diretso.
Sa kanyang pahayag ay nilinaw ni Erice na hindi nila gustong siraan ang dating pangulo.
Desisyon umano ng kanilang grupo na palitan ang kanilang campaign color pero mananatiling kasapi ng Liberal Party si Roxas.
Sinabi rin ni Erice na mananatili nilang kaibigan ang dating pangulo at patuloy nilang kikilalanin ang naging mahusay nitong pamumuno sa bansa.
Sa kanyang panig, sinabi ni Kris na pinakiusapan siya ni Liberal Party President Kiko Pangilinan na magkaroon muna ng ceasefire.
Susundin umano niya ito bilang respeto sa mambabatas at ilalagay muna niya sa archieve ang ilan sa kanyang mga naunang posts sa Instagram kung saan ay tinawag rin niyang mukhang goon si Erice.