Cong. Erice nag-sorry kay Kris Aquino dahil sa pagsusuot ng asul ni Mar Roxas

By Den Macaranas April 15, 2019 - 05:25 PM

Makaraan siyang sagutin ni Kris Aquino ay kumambyo at humingi ng paumanhin si Caloocan City 2nd District Representative Edgar Erice sa kanyang naging pahayag patungkol kay dating Pangulong Noynoy Aquino.

Nauna dito ay sinabi ni Erice sa panayam ng Inquirer na pinalitan nila ang campaign color ni Mar Roxas na mula sa dilaw ay ginawang asul.

Nagmistulan umano kasing “Robin” si Roxas dahil sa association nito sa kampo ng dating pangulo at sa Liberal Party.

Si Erice ang tumatayong campaign manager ni Roxas sa pagtakbo bilang senador sa ilalim ng Otso Diretso.

Sa kanyang pahayag ay nilinaw ni Erice na hindi nila gustong siraan ang dating pangulo.

Desisyon umano ng kanilang grupo na palitan ang kanilang campaign color pero mananatiling kasapi ng Liberal Party si Roxas.

Sinabi rin ni Erice na mananatili nilang kaibigan ang dating pangulo at patuloy nilang kikilalanin ang naging mahusay nitong pamumuno sa bansa.

Sa kanyang panig, sinabi ni Kris na pinakiusapan siya ni Liberal Party President Kiko Pangilinan na magkaroon muna ng ceasefire.

Susundin umano niya ito bilang respeto sa mambabatas at ilalagay muna niya sa archieve ang ilan sa kanyang mga naunang posts sa Instagram kung saan ay tinawag rin niyang mukhang goon si Erice.

TAGS: erice, Instagram, Kris Aquino, Mar Roxas, Noynoy Aquino, erice, Instagram, Kris Aquino, Mar Roxas, Noynoy Aquino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.