Paghahati sa Palawan dapat lang ayon sa Malacañang

By Den Macaranas April 15, 2019 - 03:37 PM

Minaliit ng Malacañang ang pahayag ni Sen. Risa Hontiveros na pabor sa China ang paghahati sa tatlong lalawigan sa Palawan.

Katwiran ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kahit na walang lalawigan ay mananakop ng lugar ang China ito ay kung gugustusin nila.

Nilinaw rin ng kalihim na hindi aplikable sa kaso ng Palawan ang tinatawag na “divide and conquer” na karaniwang ginagawa sa pulitika.

Nauna dito ay kabilang si Hontiveros sa mga mambabatas na nagpahayag ng pagtutol sa paghati sa tatlo sa lalawigan ng Palawan.

Noong April 5 ay nilagdaan ng pangulo ang paghahati sa nasabing lalawigan na tatawagin ngayon bilang Palawan del Norte, Palawan del Norte at Palawan Oriental.

Layunin ng mga naghain ng panukalang batas na mapabilis ang paghahatid ng basic services sa mga malalayong bayan dahil isang malaking lalawigan ang Palawan.

TAGS: China, duterte, hontiveros, Palawan, panelo, China, duterte, hontiveros, Palawan, panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.