Maintenance activities sa MRT-3 umarangkada na

By Dona Dominguez-Cargullo April 15, 2019 - 12:04 PM

DOTr Photo

Sa unang araw ng maintenance shutdown ng MRT-3 puspusan na agad ang pagtatrabaho ng kanilang mga tauhan.

Inumpisahan ang maintenance sa pamamagitan ng pagsasaayos ng Overhead Catenary System (OCS), linya ng kuryente, riles ng tren, at paglilinis ng mga istasyon.

Target ng isang linggong aktibidad ang pagkukumpuni at pagpapalit ng maluluwag na anchor bolts at rail fastener.

Lilinisin din ang lahat ng istasyon ng tren, papalitan ang mga contact wire, aayusin ang fire pumps, water pumps at ventilation system.

Sa pagtatapos ng isang linggong maintenance target ng MRT-3 na mas mabigyan ng maayos na serbisyo at convenient na biyahe ang publiko.

TAGS: maintenance shutdown, MRT 3, maintenance shutdown, MRT 3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.