Dalawang South Korean group ang gumawa ng record sa K-Pop history

By Jimmy Tamayo April 15, 2019 - 11:44 AM

Gumawa ng kasaysayan ang BTS bilang kauna-unahang Korean act na naging musical guest sa US show na “Saturday Night Live.”

Nag-perform ang grupo ng awitin mula sa bago nilang album na “Map of the Soul: Persona.”

Maging sa Amerika ay patok na patok ang grupo kaya marami sa kanilang mga fans ang nag-camp out sa labas ng studio ng SNL nang malaman na mag-guest sila sa nasabing show.

Gayunman, marami ang nadismaya makaraang dumaan sa likod ng building ang nasabing grupo sa halip na sa front gate na karaniwang ginagawa ng mga guest ng SNL.

Umeksena naman sa Coachella Valley Music and Arts Festival ang Korean all-girl group na BLACKPINK.

Ang BLACKPINK ang kauna-unahang female K-pop group na nagperform sa nasabing music festival.

Magtatanghal din ang grupo sa ilang lugar sa North America para sa kanilang “In Your Area” world tour.

TAGS: BLACKPINK, BTS, K-pop, BLACKPINK, BTS, K-pop

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.