Ang suspensyon sa nasabing petsa ay karagdagan sa Apr. 18 at 19 na kapwa Regular Holiday at otomatikong suspendido ang pag-iral ng number coding.
Ayon sa MMDA, sa Miyerkules Santo kasi inaasahan ang pagdagsa ng mga motorista na uuwi sa mga lalawigan o bibiyahe para magbakasyon.
Habang sa April 22 naman inaasahan naman ang dagsa ng mga motoristang magsisibalikan sa Metro Manila.
Mananatili namang epektibo ang number coding bukas, Martes Santo.
Payo ng MMDA sa mga motorista, planuhin ng maaga ang pagbiyahe.
Wala pa namang abiso ang Makati at ang Las Pinas kung magsususpinde rin sila ng coding sa Miyerkules Santo at sa April 22.