Number coding suspendido na sa Miyerkules Santo at sa April 22

By Dona Dominguez-Cargullo April 15, 2019 - 10:42 AM

Sinuspinde na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pag-iral ng number coding sa April 17, Miyerkules Santo at sa Lunes, April 22.

Ang suspensyon sa nasabing petsa ay karagdagan sa Apr. 18 at 19 na kapwa Regular Holiday at otomatikong suspendido ang pag-iral ng number coding.

Ayon sa MMDA, sa Miyerkules Santo kasi inaasahan ang pagdagsa ng mga motorista na uuwi sa mga lalawigan o bibiyahe para magbakasyon.

Habang sa April 22 naman inaasahan naman ang dagsa ng mga motoristang magsisibalikan sa Metro Manila.

Mananatili namang epektibo ang number coding bukas, Martes Santo.

Payo ng MMDA sa mga motorista, planuhin ng maaga ang pagbiyahe.

Wala pa namang abiso ang Makati at ang Las Pinas kung magsususpinde rin sila ng coding sa Miyerkules Santo at sa April 22.

TAGS: mmda, number coding, Radyo Inquirer, suspension, mmda, number coding, Radyo Inquirer, suspension

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.