Simbahan may panawagan sa bawat pamilyang Filipino ngayong Holy Week

By Dona Dominguez-Cargullo April 15, 2019 - 10:35 AM

Sa pormal na pagsisimula ng Mahal na Araw kahapon, Linggo ng Palaspas may panawagan ang Simbahang Katolika sa publiko.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Cebu Archbishop Jose Palma, sa 52 araw sa buong isang taon, mahalagang panatilihing banal at magkaroon ng pangninilay-nilay ngayong Holy Week.

Hinimok ni Palma ang publiko na maliban sa pagbabakasyon at pagsasaya, dapat ay sama-sama ring manalangin at makilahok sa mga aktibidad sa simbahan.

Ayon kay Palma, mula ngayong araw Lunes Santo hanggang sa Miyerkules Santo, may mga recollection at may kumpisalan sa mga parokya na maaring lahukan ng publiko.

Sinabi ni Palma na magandang aktibidad din ang ginagawa ng ilang pamilya na sama-samang nagbi-Visita Iglesia.

Ang ganitong tradisyon ng pananampalataya aniya ay magandang ginagawa ng sama-sama ang buong pamilya upang makalakihan ng mga bata.

TAGS: Archbishop Palma, catholic church, Holy Week, Radyo Inquirer, Archbishop Palma, catholic church, Holy Week, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.