2 sugatan sa pagsabog ng granada sa Maguindanao

Sugatan ang dalawang katao matapos ang paghahagis ng granada ng riding in tandem suspects sa Sultan Kudarat, Maguindanao.

Naganap ang pagsabog sa isang barbecue stall sa Barangay Rebuken at ikinasugat ito ng dalawang nagtitinda.

Ayon kay Police Brig. Gen. Graciano Mijares, police director ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ang mga biktima ay nakilalang sina Bai Urugan Murod, 45 anyos at Rakma Tarim, 47 anyos.

Isa sa dalawang sakay ng motorsiklo ang naghagis ng granada at saka mabilis na tumakas.

Patuloy ang manhunt sa dalawang suspek.

Habang ginagamot naman sa Cotabato Regional and Medical Center ang mga nasugatan.

Read more...