Calayan, Cagayan niyanig ng magnitude 5.2 na lindol

By Dona Dominguez-Cargullo April 15, 2019 - 10:02 AM SHARE(S):

Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang bayan ng Calayan sa lalawigan ng Cagayan.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 63 kilometers Southwest ng bayan ng Calayan, alas-9:32 ng umaga ng Lunes (April 15).

May lalim na 25 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala ang sumusunod na intensities:

Intensity III
– Pasuquin, Ilocos Norte
– Claveria, Cagayan
– Laoag City, Ilocos Norte

Intensity II
– Sinait, Ilocos Sur

Intensity I
– Gonzaga, Cagayan

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian pero inaasahan ang mga aftershocks bunsod ng
malakas na pagyanig.

TAGS: Cagayan, calayan, earthquake, magnitude 5, phivolcs, Cagayan, calayan, earthquake, magnitude 5, phivolcs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.