No. 1 sa barangay drug watchlist, patay matapos manlaban sa mga otoridad sa Tondo

By Mary Rose Cabrales April 15, 2019 - 09:48 AM

Inquirer file photo

Nasawi matapos manlaban sa mga otoridad ang number 1 sa drug watchlist ng Barangay 117 sa Tondo, Maynila, gabi ng Linggo (April 14).

Ayon sa mga otoridad, nakatanggap sila ng sumbong na nagbebenta ng droga si Marvin Arsenio sa kanto ng Mata at Dahlia Street na agad nilang pinuntahan.

Nauwi sa engkwentro ang pagresponde ng mga otoridad.

Pinaputukan ni Arsenio ang mga otoridad habang tumatakas hanggang sa umabot sa isang eskinita ang habulan kung saan pumasok sa loob ng bahay ang suspek at doon nasukol.

Ayon sa mga imbestigador, talamak ang pagbebenta ng droga ng suspek sa Tondo.

Naging target ng police operation si Arsenio noong nakaraang buwan pero hindi siya naaresto dahil
kinuyog ng mga residente ang mga pulis.

Isang kalibre .45 na baril at nasa P30,000 halaga ng shabu ang nakuha sa bangkay ni Arsenio.

TAGS: buy bust, manila, Radyo Inquirer, Tondo, buy bust, manila, Radyo Inquirer, Tondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.