Mahigit 1,000 flights nakansela sa Chicago dahil sa matinding snow

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 15, 2019 - 06:40 AM

Mahigit isang libong flights ang kinansela sa dalawang paliparan sa Chicago dahil sa matinding snow.

Sa O’Hare International Airport, aabot sa 884 ang nakanselang biyahe ng eroplano habang 118 na biyahe naman ang kinansela sa Midway International Airport.

Nakaranas ng pag-ulan at wet snow sa Chicago maghapon ng Sabado at hanggang Linggo.

Sa abiso naman ng mga otoridad, pagpasok ng araw ng Lunes sa Amerika ay magsisimula nang gumanda ng panahon.

TAGS: Chicago, Mahigit 1000 flights nakansela, matinding snow, O’hare International Airport, Chicago, Mahigit 1000 flights nakansela, matinding snow, O’hare International Airport

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.