8 lugar nakapagtala ng mataas na heat index kahapon – PAGASA
Walong lugar ang nakapagtala ng delikadong antas ng heat index kahapon, araw ng Linggo (Apr. 14) ayon sa PAGASA.
Ayon sa PAGASA, ang Aparri, Cagayan ang nakapagtala ng pinakamataas na heat index kahapon na pumalo sa 43.8 degrees Celsius.
Narito ang iba pang lugar na nakapagtala ng higit 40 degrees Celsius na heat index kahapon:
• Sangley Point, Cavite – 42.6 degrees Celsius
• Iba, Zambales – 42 degrees Celsius
• Zamboanga City, Zamboanga Del Sur – 41.9 degrees Celsius
• Ambulong, Batangas – 41.8 degrees Celsius
• Laoag City, Ilocos Norte – 41.5 degrees Celsius
• Daet, Camarines Norte – 41.5 degrees Celsius
• Dagupan City, Pangasinan – 41 degrees Celsius
Samantala, sa Metro Manila, nakapagtala din ng mataas na heat index.
NAIA PAsay City, Manila
– Air Temperature 35. 7 degrees Celsius
– Heat Index 40.1 degrees Celsius
Port Area, Manila
– Air Temperature 33. 5 degrees Celsius
– Heat Index 39 degrees Celsius
Science Garden, QC
– Air Temperature 33.6 degrees Celsius
– Heat Index 37.9 degrees Celsius
Patuloy ang payo ng PAGASA sa publiko na iwasan ang paglabas sa kasagsagan ng mainit na sikat ng araw at palagiang uminom ng tubig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.