2 drug suspek, nahuli sa Quezon City

Naaresto ang dalawang drug suspek sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Gulod, Quezon City.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Rossel Cejas, komander sa Novaliches Police station, ang mga suspek ay sina Rodolfo Mananghaya at si Oliver Delos Nieves.

Nakatakas naman ang isang kasamahan nila na main target ng mga pulid.

Nakuha sa kanila ang mga pakete ng shabu at marked money.

Nasa kustodiya na ng Novaliches Jail Facility ang mga suspek para harapin ang mga kasong isasampa sa kanila.

Read more...