Pag-antala ng pagpapasa ng 2019 budget, may negatibong epekto ayon kay Robredo
May negatibo umanong epekto ang pag-antala ng pagpapasa ng 2019 budget sa mga serbisyong iginagawad sa publiko ayon kay Vice President Leni Robredo.
Kung ive-veto ni Pangulong Duterte ang budget ay magkakaproblema aniya ang mga basic services kagaya ng pang-kalusugan at edukasyon.
Dahil delay ang pagpapasa ng budget, iniisip din ni Robredo na intensyonal ito para ang 2018 budget ang magamit at hindi ang 2019 proposal ang maipatupad.
Alam naman ni Robredo na may kapangyarihan ang pangulo na i-veto ang proposed budget at 2018 budget ang maipatupad nguni’t ang sabi niya ay magdudulot lang ito ng korupsyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.