Findings ng NBI tungkol sa ‘tanim-bala’ isusumite na!

By Isa Avendaño-Umali December 06, 2015 - 04:36 PM

 

naia Tanim-balaIsusumite na National Bureau of Investigation o NBI ang report sa imbestigasyon nito sa kontrobersyal na tanim-bala sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.

Ayon kay Justice Undersecretary at spokesperson Emmanuel Caparas, nakatakdang isumite ng NBI task force TALABA ang findings nito sa tanim-bala sa December 09, 2015.

Sinabi ni Caparas na masasagot umano ng NBI report kung may sindikato ba ng tanim-bala o wala sa NAIA.

Noong Nobyembre, binuo ng Department of Justice ang task force TALABA upang alamin ang umano’y modus sa NAIA na nambibiktima ng mga pasahero, partikular ng Overseas Filipino Workers, sa pamamagitan ng pagtatanim ng bala sa mga bagahe.

Batay sa direktiba ni Justice Secretary Alfredo Benjamin Caguioa sa task force TALABA, dapat siyasatin ang lahat ng mga insidente ng tanim-bala sa NAIA at kahalintulad na kaso, upang mabatid kung anu-ano ang nararapat na aksyon o posibilidad ng pagsasampa ng mga kasi laban sa mga sangkot sa isyu.

Pero bigo ang task force na matapos ang fact-finding probe nito at maisumite ang report sa naunang deadline na November 18, dahil na rin sa pagiging abala sa APEC 2015.

Kaya naman, pinagbigyan ng DOJ ang hiling ng task force na palawigan ang deadline, at binigyan ang team ng labing limang araw upang maisumite ang report sa tanim-bala.

 

TAGS: NAIA, NBI, tanim bala, NAIA, NBI, tanim bala

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.