Ayon kay COMELEC director on education and information na si Frances Aguindadao-Arabe, mas mabuting mai-report ang mga nakakabit na campaign materials sa hindi tamang lugar kaysa alisin ito na walang pahintulot sa kandidato para maiwasan ang ma-demanda.
Sinabi din niya na pwedeng kuhanan ng litrato at i-post online upang mai-report ang mga campaign materials at i-tag lang ang social media accounts ng COMELEC.
Ang mga kandidatong hindi tinatanggal ang mga campaign materials matapos ang tatlong araw na makatanggap sila ng notipikasyon sa COMELEC ay madidiskwalipika.
Sa ngayon, sabi ni Arabe, na mayroong dalawang kaso ang Pasay City na hinihintay ang desisyon ng korte dahil sa paglabag ng batas sa campaign materials.