COMELEC, nagbabala sa publiko na huwag alisin ang mga campaign materials na nakakabit sa hindi tamang lugar
Nag-abiso ang COMELEC sa publiko na huwag alisin ang mga campaign materials ng mga kandidato kahit na lumabag ito sa batas na kanilang inilatag.
Ayon kay COMELEC director on education and information na si Frances Aguindadao-Arabe, mas mabuting mai-report ang mga nakakabit na campaign materials sa hindi tamang lugar kaysa alisin ito na walang pahintulot sa kandidato para maiwasan ang ma-demanda.
Sinabi din niya na pwedeng kuhanan ng litrato at i-post online upang mai-report ang mga campaign materials at i-tag lang ang social media accounts ng COMELEC.
Ang mga kandidatong hindi tinatanggal ang mga campaign materials matapos ang tatlong araw na makatanggap sila ng notipikasyon sa COMELEC ay madidiskwalipika.
Sa ngayon, sabi ni Arabe, na mayroong dalawang kaso ang Pasay City na hinihintay ang desisyon ng korte dahil sa paglabag ng batas sa campaign materials.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.