Facebook, nagkaroon ng technical difficulty sa iba’t ibang bansa
Pansamantalang nakaranas ng outage o technical difficulty ang ilang gumagamit ng Facebook sa buong mundo, Linggo ng gabi.
Batay sa datos ng Downdetector.com, nasa mahigit-kumulang 9,000 katao ang nag-report na apektado ng naturang technical difficulty.
Lumabas din na karamihan sa mga apektadong Facebook user ay nasa Europe.
Sa Pilipinas, pasado 7:00 ng gabi nang maranasan ng karamihan ang problema sa naturang social networking site.
Maliban sa Facebook, nagkaroon din ng technical difficulty ang WhatsApp at Instagram.
Ngunit, mas mababa ang bilang ng mga nag-report sa naranasang outage sa dalawang mobile application.
Matatandaang noong buwan ng Marso, naranasan ang pinakamahabang outage kung saan nahirapang ma-access ang Facebook, Instagram at WhatsApp ng 24 oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.