Ito ay kasunod ng inaasahang pagdami ng mga turista ngayong Holy Week.
Sa isang panayam, sinabi ni DENR Undersecretary Jonas Leonas na dapat tiyaking hindi kontaminado ang tubig sa mga kilalang pasyalan sa bansa.
Aniya, ilang parte ng Boracay ang kontaminado ng algar ngunit ito ay dahil lamang sa natural phenomenon.
Tinututukan din ng DENR ang tamang pagtatapon ng mga basura.
Nagtalaga aniya ng mga garbage bin at receptacles sa iba’t ibang tourist destination para sa responsableng pagtatapos ng mga kalat.
Sinabi nito na dapat maging mabilis ang mga local government unit (LGU) sa pagligpit ng mga puno nang basura.
Maliban sa Boracay, naka-monitor din ang DENR sa Palawan, Aurora, Siargao, Mindoro at Zambales sa pamamagitan ng isinasagawang protection at rehabilitation programs.