DENR, nakatutok sa kalinisan sa mga tourist destination sa Holy Week

By Angellic Jordan April 14, 2019 - 07:52 PM

Babantayan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kalinisan ng mga tourist destination sa bansa.

Ito ay kasunod ng inaasahang pagdami ng mga turista ngayong Holy Week.

Sa isang panayam, sinabi ni DENR Undersecretary Jonas Leonas na dapat tiyaking hindi kontaminado ang tubig sa mga kilalang pasyalan sa bansa.

Aniya, ilang parte ng Boracay ang kontaminado ng algar ngunit ito ay dahil lamang sa natural phenomenon.

Tinututukan din ng DENR ang tamang pagtatapon ng mga basura.

Nagtalaga aniya ng mga garbage bin at receptacles sa iba’t ibang tourist destination para sa responsableng pagtatapos ng mga kalat.

Sinabi nito na dapat maging mabilis ang mga local government unit (LGU) sa pagligpit ng mga puno nang basura.

Maliban sa Boracay, naka-monitor din ang DENR sa Palawan, Aurora, Siargao, Mindoro at Zambales sa pamamagitan ng isinasagawang protection at rehabilitation programs.

TAGS: Aurora, boracay, DENR, Holy Week, Mindoro, Palawan, siargao, zambales, Aurora, boracay, DENR, Holy Week, Mindoro, Palawan, siargao, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.