Sa homily sa selebrasyon ng Linggo ng Palaspas sa Manila Cathedral, nagpaalala si Tagle sa kasaysayan at layunin ang Semana Santa.
Ito ay para gunitain ang pagpasok ni Hesukristo sa Herusalem isang linggo bago Siya ipinako sa krus.
Hinamon pa ni Tagle ang mga Katoliko na alamin at panatilihin ang paggalang kay Hesukristo at huwag magpalinlang sa mga lider na mataas ang tingin sa sarili dahil sa kapangyarihan at kayamanan.
Dagdag pa nito, hindi lang dapat idaos ang Semana Santa sa pagbabakasyon kundi dapat maging sa pag-unawa, pagsisisi at sundin ang salita at gawa si Hesus.