Cardinal Tagle sa mga Katoliko: Sundin ang mga lider na mapagpakumbaba
Hinikayat ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga Filipinong Katoliko na sumunod sa mga lider na mapagkumbaba tulad ng ginawang pagpapapako sa krus ni Hesukristo.
Sa homily sa selebrasyon ng Linggo ng Palaspas sa Manila Cathedral, nagpaalala si Tagle sa kasaysayan at layunin ang Semana Santa.
Ito ay para gunitain ang pagpasok ni Hesukristo sa Herusalem isang linggo bago Siya ipinako sa krus.
Hinamon pa ni Tagle ang mga Katoliko na alamin at panatilihin ang paggalang kay Hesukristo at huwag magpalinlang sa mga lider na mataas ang tingin sa sarili dahil sa kapangyarihan at kayamanan.
Dagdag pa nito, hindi lang dapat idaos ang Semana Santa sa pagbabakasyon kundi dapat maging sa pag-unawa, pagsisisi at sundin ang salita at gawa si Hesus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.