Isang konsehal, arestado makaraang mahulihan ng 22 kilo ng shabu sa Agusan del Norte

By Angellic Jordan April 14, 2019 - 06:39 PM

Arestado ang isang konsehal sa ikinasang anti-drug opeation sa Buenavista, Agusan del Norte Linggo ng madaling-araw.

Ayon kay Police Brig. Gen. Gilberto DC Cruz, nahulihan ng shabu ang konsehal na si Ronilo Bohol sa loob ng kaniyang bahay sa Purok 4, Barangay Matabao bandang 2:40 ng madaling-araw.

Ikinasa ang operasyon ng Buenavista Municipal Police Station, Provincial Intelligence Branch at Provincial Mobile Force Company ng Agusan Del Norte Police Provincial Office matapos ilabas ng Regional Trial Court Branch 2 ng Libertad, Butuan City ang arrest warrant laban kay Bohol.

Nakuha mula sa suspek ang kabuuang 22.4 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P264,320.

Sa ngayon, nakakulong si Bohol sa Buenavista MPS detention cell at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: agusan del norte, Buenavista, Police Brig. Gen. Gilberto DC Cruz, Ronilo Bohol, shabu, agusan del norte, Buenavista, Police Brig. Gen. Gilberto DC Cruz, Ronilo Bohol, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.