Paalala ng mga obispo: ‘Maghinay-hinay sa panggasta ngayong kapaskuhan’

By Isa Avendaño-Umali December 06, 2015 - 04:34 PM

 

From the Facebook page of Bishop Ongtioco
From the Facebook page of Bishop Ongtioco

Pinaalalahanan ng mga opisyal ng simbahan ang publiko na maging wais sa paggastos ng kanilang Christmas bonus at 13th month pay.

Ayon kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco, marapat na maging responsable ang mga tao sa paggasta ng pera ngayong holiday season, at iwasan ang paggastos ng sobra-sobra.

Ani Ongtioco, sa kasalukuyan na mahirap ang buhay, mabuting gamitin ‘wisely’ ang ‘blessings’ na mula sa Panginoon.

Dagdag ng Obispo, kapag may labis na monetary blessings, marapat ding ibahagi ito sa mga nangangailangan gaya ng mga mahihirap.

Payo naman ni Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, sa mga Overseas Filipino Workers o OFWS, huwag pilitin na punuin ang mga balikbayan box na ipapadala bilang regalo sa mga kaanak.

Hinimok din ng church official ang mga pamilya ng mga OFW na mag-ipon at gamitin ang padalang pera ‘responsibly.’

 

TAGS: Christmas2015, Christmas2015

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.