Mga oil company, magpapatupad ng panibagong taas-singil sa presyo ng mga produktong petrolyo

By Angellic Jordan April 14, 2019 - 06:18 PM

Magkakaroon ng taas-presyo sa mga produktong petrolyo ngayong Semana Santa.

Tataas ng P1 hanggang P1.15 ang kada litro ng gasolina.

Sa diesel naman, may dagdag-presyo na P0.70 hanggang P0.80 ang kada litro.

P0.60 hanggang P0.70 naman ang dagdag-singil sa kada litro ng kerosene o gaas.

Nauna namang nagkumpirma sa pagpapatupad ng oil price adjustment ang kumpanyang Shell.

Ipatutupad ang galaw sa mga presyo sa araw ng Martes ganap na 6:00 ng umaga.

Inaasahan namang pagpapatupad din ng oil price hike ang iba pang kumpanya ng langis.

TAGS: diesel, gasolina, kerosene, langis, Shell, diesel, gasolina, kerosene, langis, Shell

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.