One-way traffic scheme, ipatutupad sa Tagaytay City sa Holy Week

By Angellic Jordan April 14, 2019 - 05:11 PM

Photo courtesy: Tagaytay City Office of Public Safety – Traffic Unit’s Facebook page

Magpapatupad ng one-way traffic rerouting scheme sa Tagaytay City para sa Holy Week.

Sa abiso ng Tagaytay City Office of Public Safety – Traffic Unit, inabisuhan ang mga motoristang aakyat ng Tagaytay City patungong Nasugbu, Alfonso, Mendez, at Indang na maaaring dumaan sa J. P. Rizal Street sa bahagi ng Petron, Maharlika East Intersection.

Para naman sa mga sasakyang magmumula sa Nasugbu, Indang, Alfonso at Mendez patungong Maynila, dadaan sa Tagaytay-Nasugbu Road sa Hagdang Bato Intersection.

Sinabi ng traffic unit na epektibo ang one way traffic flow simula April 13 hanggang Linggo ng Pagkabuhay, April 20.

Ipatutupad ang traffic scheme mula 6:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi.

Photo courtesy: Tagaytay City Office of Public Safety – Traffic Unit’s Facebook page

TAGS: Holy Week, one-way traffic scheme, tagaytay city, Holy Week, one-way traffic scheme, tagaytay city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.