LOOK: Michelle Madrigal ikinasal sa Texas, USA

Photo by: Nice Print Photo Company’s Instagram account

Nagpakasal na si Michelle Madrigal na kaniyang partner na si Troy Woolfolk sa Texas, United States nitong weekend.

Sa Instagram, makikita ang mga larawang kuha ng Nice Print Photo Company sa nasabing springtime wedding ceremony noong araw ng Sabado, April 13.

Nakasuot si Michelle ng flowy lace mermaid gown habang gray tuxedo naman si Troy.

Aborable naman ang larawan ng dalawa kasama ang anak na si Anika para sa kanilang family photo.

Kasama rin sa entourage ni Michelle ang kapatid na si Ehra Madrigal at ilan pang kaibigan.

Sa hiwalay na Instagram post, inihayag na Troy na masaya pa rin siya para sa bagong yugto ng kanilang relasyon ni Michelle kasama ang mga kaibigan at kaanak.

Read more...