UST Salinggawi, nag-uwi ng 2 medalya sa ACIC sa Singapore

Nag-uwi ng medalya ang University of Santo Tomas (UST) Salinggawi Dance Troupe sa Asia Cheerleading Invitational Championship sa Singapore.

Nasungkit ng Salinggawi ang gintong medalya sa Open Freestyle Pom division matapos umani ng 183 points.

Nakatunggali ng Salinggawi sa naturang kategorya ang Xavier Elite mula sa Malaysia na nakakuha ng 180.5 points.

Maliban dito, nasungkit din ng UST ang silver medal para sa Team Cheer Open All-Firl Premier Category makaraang makapagtala ng 190.5 points.

Read more...