Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kagawad ng media na aniya’y mga ACDC o Attack and Collect, Defend and Collect money.
Sa talumpati ng pangulo sa campaign rally ng PDP-Laban sa Malaybalay, Bukidnon sinabi nito na tumatanggap ng pera sa mga kliyente ang mga kagawad ng media para banatan ang isang tao.
Pakiusap ng pangulo sa publiko, huwag maniwala na malilinis ang mga kagawad ng media.
Pinoprotektahan lamang aniya ng mga mamamahayag ang mga mayayaman at ang kanilang mga sikreto pero binabanatan ang mga pulitikong nagsusulong lang naman ng reporma.
Dagdag ng pangulo, huwag rin maniwala sa investigative journalism gaya ng ginawa ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na kinuwestyun ang kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.