MMDA: Trapiko sa Metro Manila, posibleng bumaba ng 50% sa Semana Santa

By Angellic Jordan April 14, 2019 - 03:54 PM

Posibleng bumaba ng 50 porsyento ang bigat ng trapiko sa Metro Manila ngayong Semana Santa, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa isang news forum, sinabi ni MMDA Edsa Traffic Head Bong Nebrija na ito ang kanilang projection base sa mga nagdaang uri ng holiday sa bansa.

Marami aniya ang umaalis ngayong bakasyon at umuuwi sa mga probinsya lalo na walang pasok ang ilang kabataan.

Maliban dito, sinabi pa ni Nebrija na marami rin ang magsasagawa ng Visita Iglesia o tradisyunal na pagbisita sa siyam na simbahan.

Kasunod nito, magtatala aniya ang MMDA ng road emergency stations sa bahagi ng Quiapo at ortigas para asistihan ang mga motorista.

Naglilinis na rin aniya ng mga backdoor sa iba’t ibang terminal sa pagsisimula ng Semana Santa.

TAGS: Metro Manila, mmda, Semana Santa, trapiko, Metro Manila, mmda, Semana Santa, trapiko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.