Lease contract ng mayayaman, ikunsidera nang kanselado ayon kay Duterte

By Chona Yu April 14, 2019 - 12:58 PM

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mayayaman na may mga lease contract sa gobyerno na ikunsidera nang kanselado ang kanilang kontrata kung expired na o pa expire pa lamang.

Sa talumpati ng pangulo sa campaign rally ng PDP-LABAN sa Malaybalay Bukidnon, sinabi nito na pursigido kasing i-land reform ang mga lupa na pag-aari ng gobyerno.

Hindi na aniya dapat na umasa ang mga multinationals na makapagrerenew ng kanilang kontrata dahil ipamamahagi niya sa mga mahihirap ang mga lupa.

Pursigido ang pangulo na gugulin ang kanyang nahuhuling tatlong taong panunungkulan na iland reform ang mga lupa ng gobyerno.

Pakiusap naman ng pangulo sa mga makikinanabang sa land reform, ayusin ang pagsasaka para mapakinabangan ang lupa.

TAGS: campaign rally ng PDP-LABAN, land reform, Rodrigo Duterte, campaign rally ng PDP-LABAN, land reform, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.