PAGASA: Maulan na Linggo asahan sa Luzon

By Clarize Austria April 14, 2019 - 12:34 PM

Magiging maulan ang araw ng Linggo, April 14, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ito ay bunsod ng epekto ng tail of a cold front sa Northern at Central Luzon.

Sa inilabas na bulletin report ng Pagasa, ang mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera Administrative, Cagayan Valley, at Central luzon ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kasamang ulan at pagkidlat.

Nagbigay babala rin ang Pagasa asahan na ang mga posibleng flashfloods na dulot ng pag-ulan sa mga apektadong lugar.

Ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap na kalangitan hanggang sa mauulap na kalangitan na may rainshowers o thunderstrorms dulot ng easterlies.

Asahan na rin umano ang mga pagbaha sa kalakhang Maynila dala ng mga pag-ulan.

TAGS: Pagasa, Philippine Atmospheric, tail of a cold front, Pagasa, Philippine Atmospheric, tail of a cold front

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.