Notoryus na drug pusher sa Lucena, patay sa buy-bust operation

By Clarize Austria April 14, 2019 - 10:31 AM

Patay ang sinasabing notoryus na tulak ng shabu sa buy-bust operation na ikinasa sa Lucena City, Sabado ng gabi.

Pinangalanan ni Lieutenant Coronel Reyndate Ariza, hepe ng Lucena Police, ang suspek na si Joselito Leandelar, 37 anyos.

Nanlaban umano si Leandelar nang aarestuhin na ng grupo pagkaraang magbenta ng shabu sa katransaksyong undercover na pulis.

Ayon sa inilabas na report ng pulisya, bigla umanong bumunot ng kalibre .38 na revolver ang suspek at pinaputukan ang mga back-up na pulis ngunit hindi niya tinamaan.

Nagpaputok naman pabalik ang mga pulis kung saan tinamaan si Leandelar at namatay agad.

Narekober ang isang handgun, 10 pake ng hinihinalang shabu na may timbang 2.5 gramo at nagkakahalaga ng P12,500.

Sinabi rin ng pulisya na notoryus na drug pusher ang Leandelar sa lugar.

TAGS: 10 pake ng hinihinalang shabu na may timbang 2.5 gramo at nagkakahalaga ng P12, 500, buy bust operation, Lucena City, notoryus na tulak ng shabu, 10 pake ng hinihinalang shabu na may timbang 2.5 gramo at nagkakahalaga ng P12, 500, buy bust operation, Lucena City, notoryus na tulak ng shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.