Opisyal ng NCIP, patay matapos pagbabarilin sa Abra

By Clarize Austria April 14, 2019 - 10:03 AM
Patay ang opisyal ng National Commission of Indigenous Peoples (NCIP) sa Abra pagkaraang mabaril sa kanyang tahanan sa Abra, Sabado ng gabi. Ang biktima ay ang 43 anyos na administrative aide IV ng NCIP na si Crispin Abbago, residente ng San Gregorio sa bayan ng La Paz. Ayon sa report ng pulisya, pinagbabaril si Abbago habang isinasara nito ang pintuan ng kanilang kusina.   Tinambangan si Abbago ng hindi pa nakikilalang indibidwal na agad tumakas matapos paputukan ang bahay.   Narekober naman sa pinangyarihan ng krimen ang 5.56 mm na baril.   Agad sinugod si Abbago sa Abra Probinsyal Hospital ng kaniyang kapatid ngunit idineklara na itong dead on arrival.   Kasalukuyan pa ring inaalam ng pulisya ang dahilan sa likod ng pagpaslang.

TAGS: administrative aide IV ng NCIP, la paz, National Commission of Indigenous Peoples (NCIP), San Gregorio, administrative aide IV ng NCIP, la paz, National Commission of Indigenous Peoples (NCIP), San Gregorio

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.