Alkalde ng isang bayan sa Davao del Sur, suspendido

Suspendido ang alkalde sa bayan ng Bansalan na si Quirina Sarte kaugnay ng pagpapagamit umano nito ng libre sa municipal gymnasium sa isang sports club sa Davao del Sur.

Noong nakaraang linggo, pinapababa ng Ombudsman si Sarte sa posisyon para sa anim na buwan na suspensyon ngunit nagmatigas ito at tumanggi.

Sa pagbasa ng Department of Local Government (DILG) sa suspensyon ni Sarte, kinwestyon niya ang kapangyarihan ng ahensya na magpataw ng direktiba ngayong panahon ng eleksyon.

Naglabas ng memorandum ang Ombudsman noong March 11 kung saan nakasaad na suspendido si Sarte matapos nitong labagin ang Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Inilagay naman na acting mayor ng DILG ang bise alkalde na si Edwin Reyes.

Magkalaban si Sarte at Reyes sa posisyon ng pagka-alkalde ngayong papatating na 2019 midterm elections.

Read more...