7 sugatan sa sunog sa San Juan

 

Sugatan ang pito katao matapos matupok ng apoy ang isang residential area sa West Crame, San Juan.

Nakilala ang mga nasugatan na sina Teresa Tongol, 83 anyos; Corazon Tolentino, 79 anyos; Oscar T
olentino, 69 anyos; Jane Malong, 20 anyos at Daniel dela Cruz, 35 anyos.

Nagtamo rin ng sugat sa katawan sina Fore Officers 1 Junjay Parma at Lyndon Aguilar.

Ayon Fire Officer Elna Mars ng San Juan Fire Station, nagsimula ang sunog pasado alas dos kaninang madaling araw at umabot ng ikaapat na alarma.

Ayon kay Mars, aabot sa 15 kabahayan ang natupok ng apoy dahilan para mawalan ng bahay ang may 100 pamilya o 500 indibidwal.

Sa inisyal aniya na imbestigasyon ng San Juan BFP, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Buboy Ocampo. Tinatayang aabot sa P200,000 ng mga ari-arian ang naabo.

 

Read more...