Pamamaril sa Australia, iniimbistigahan ng pulisya

Kasalukuyang iniimbestigahan ng Victoria Police sa Melbourne, Australia ang isang shootout na naganap alas 3 ng madaling araw, April 14.

Ayon sa pulisya, marami umano ang nasangkot na biktima sa pamamaril sa labas ng isang nightclub malapit sa Little Chapel Street at Malvern Road.

Hindi pa rin naglalabas ng report ang mga otoridad patungkol sa kondisyon ng mga biktima at iba pang detalye sa insidente.

Read more...