P6M halaga ng giant clam shells nakuha sa Negros Occidental
By Clarize Austria April 14, 2019 - 07:55 AM
Arestado ang tatlong katao matapos mahulian ng P6 milyong pisong halaga ng giant clam shells sa Sagay City, Negros Occidental.
Ito ay matapos makatanggap ng impormasyon ang pulisya sa Negros Occidental may nagbebenta ng giant clam shells sa kanilang lugar.
Agad naman itong sinugod ng pulisya at nakuha ang 177 piraso ng giant clam shells na may bigat na hindi bababa sa isa’t kalahating tonelada. Ang ilan umano sa mga clams ay mahigit 50 taon na ang tanda.
Ang mga giant clam shells ay ibinibenta umano sa halagang isang libo kada kilo.
Sasampahan naman ng kasong paglabag sa Philippine Fisheries Code ang tatlong nahuli.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.