Philippine Navy maaaring pasabugin ang mga drug smuggler vessels ayon kay Duterte

By Clarize Austria April 14, 2019 - 07:43 AM
Maaari umanong pasabugin ng Philippine Navy ang makita nilang mga drug smuggler vessels kasama na ang mga pasahero nito ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. Binanggit pa ng pangulo na hindi na umano kailangan magsalita ng mga tauhan ng Philippine Navy at ibulong na lang sa kaniya kung mayroon na silang pinasabog. Pinabulaanan din ng pangulo na mayroon umanong mga floating cocaine sa mga daungan at katubigan ng Pilipinas na gawa umano ng mga drug lords. Ito ay matapos makakuha ng 40 bloke ng hinihinalang shabu sa bayan ng Burgos sa Siargao na sinasabing pangalawang batch ng narekober na droga sa probinsya.

TAGS: 40 bloke ng hinihinalang shabu, ayan ng Burgos sa Siargao, drug smuggler vessels, philippine navy, 40 bloke ng hinihinalang shabu, ayan ng Burgos sa Siargao, drug smuggler vessels, philippine navy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.